Nag simula ang istorya ng pagbuburda ni Julia ng tatlong letra sa panyo na ibibigay niya sa kanyang iniirog na si Tenyong, binurda niya ito ng may pagmamahal at buong puso. Dumating doon si Tenyong at pinilit si Julia na makita ang panyong binuburda niya. Ngunit hindi ito gusto ni Julia ipakita pagkat hndi pa daw ito tapos at hindi daw ito maganda, ang sagot naman ni Tenyong ay hindi makaklikha ng hindi maganda ang magagandang kamay ni Julia. Nagalit si Tenyong at pinikon pa ito ni Julia sa paghagis niya ng bastidor. Kinuha ito ni Tenyong at nanghingi ng tawad, natuwa siya sa kanyang nakita sa panyo dahil nakaburda dito ang kanyang inisyal na A.N.F (Antonio Narciso Flores). Ngunit nirason ni Julia na ang pagbibigyan niya ng panyo ay ang prayle na namumuno sa kanilang bayan. Ang ibig sabihin daw noon ay Amang Nating Frayle. Galit si tenyong sa mga prayle dahil sila daw ay mga masasama, binantaan niya si Julia na kung hindi nito sasabihin kung sino talaga ang pagbibigyan niya ay susunugin niya ang panyo, ang sabi naman ni Julia ay "susunugin mo ba ang letra ng mga pangalan mo". nag usap sila ng pag-ibig sa isa't isa.
Dumating si Juana, ang ina ni Julia. Hinahanap ang kanyang baro. Dumating din si Lukas na nagmamadali noon upang ibalita kay Tenyong na nadakip ang kanyang tatang na si Inggo ng Boluntaryong Santa Maria. Pinuntahan nila itong lahat nila kasama ang ina ni Tenyong na si Putin sa bilangguan. Doon sa bilangguan, nag uusap ang mga prayle at ang Alkaldeng Marcelo, gusto ng mga prayle na dagdagan pa ang rasyon ng palo sa mga bilanggo na sobra na ang paghihirap sa dalawampu't limang palo sa isang araw. Pagdating nila Putin ay hinanap niya agad ang kanyang asawa at binaliktad ng prale ang lahat ng sinabi niya na pahirapan pa si Inggo at huwag bigyan ng mabuting tulugan. Humalik sila sa kamay ng prayle at nagpasalamat maliban lamang kay Tenyong at sa ibang kalalakihan. Nagtanong si Putin sa kanyang anak kung bakit ito hindi humalik. Ang sagot naman ni Tenyong hindi totoo ang sinasabi ng mga prayle na pakakawalan na ang kanyang tatang ang totoo nito'y pinag utos niya pa na patayin ito ng tuluyan.
Nagulat sila Putin sa pagkakita nila kay Inggo, ang dalawang braso nito'y gitgit na ang laman at labas na ang buto sa tinalian. Binilin ni Inggo kina Juana at Julia ang kanyang pamilya bago ito nilagutan ng hininga.
Dahil sa nangyari, nagpasya si Tenyong na ipaglaban niya ang hustisya ng pagkamatay ng kanyang tatang.
Tinawag siya ni Julia nang sila ay nangagsiyaon. Nag-usap sila at nagpaalam sa isa't isa, ibinigay ni Julia ang isang gargantilyong medalyita na tanda ng kanilang pag-iibigan at pagkikitang muli.
Sa bahay nina Julia, nag-uusap sila ng kanyang ina tungkol sa isang lalaking ibig niyang ipakasal kay Julia, si Miguel. Tinawag ni Julia si Monica, ang kanilang katulong sa bahay. Upang ipatawag si Lukas. Pagkaalis ni Monica ay dumating si Pari Teban, narinig niya ang dalit ni Julia. Nag-usap sina Pari Teban, Julia, Juana, Tadeo(Ama ni Miguel) at Miguel. Pinag-usapan nila ang tungkol sa kasal nila Miguel at Julia. Pagkaalis ni Tadeo at Miguel ay dumating si Lukas. Nag-usap sila ni Julia, tinanong niya si Lukas kung nakita niya na ba si Tenyong. Ngunit hindi pa ito nakikita ni Lukas simula noong umalis sila, ngunit kanyang hahanapin kung ito'y kinakailangan ni Julia. Nagpasalamat si Julia at pinaabot ang sulat na iapapabigay niya kay Tenyong at sinabi na kung pwede ay kaagad siyang bumalik kung nakita niya na si Tenyong.
Sa kampo nila Kapitan Tenyong, nag uusap ang Sarhento at si Kabo Menes, tungkol kay Kapitan Tenyong na lagi na lamang malumbay ngunit kapag nasa laban ay nagpapakita ng kabayanihan. Sadya talagang may pusong bayani wika nila. Lumabas si Heneral at Tenyong na naguusap tungkol sa huling destakamento na kanilang lulusubin at sila'y magkakamit na sa wakas ng hustisya. Pumasok ang Tenyente at sinabi kay Tenyong na naparoon si Lukas. Pumasok si lukas at nag usap sila ni Tenyong. Hindi naging madali ang napagdaanan ni Lukas bago siya makarating doon sa kampo, siya ay binugbog ng mga kastila sa daan. Inabot ni Lukas ang sulat na galing kay Julia. Binasa ito ni Tenyong, ang laman ng sulat ay tungkol sa pagkamatay ng kanyang ina at ang pagpauwi ni Julia kay Tenyong dahil siya lamang ang makapag liligtas kay Julia sa nalalapit niyang kasal at ito ay mangyayari sa ikalawampu't lima ng papasok na buwan.
Lungkot at galit ang naramdaman ni Tenyong, nag usap sila ng Heneral. Ipinakita niya ang liham. Nalungkot din ang heneral para sa kanya, ngunit ipinangako nito na hindi matutuloy ang kasalan na iyon at siya ang magiging saksi ng kasalan ni Tenyong at Julia. Nagpasalamat si Tenyong sa Heneral, gagawa na sana siya ng liham kay Julia nang may narinig silang putukan. Pinauwi na agad ni Tenyong si Lukas habang ang putukan ay malayu-layo pa, at ibinilin na sabihin kay Julia na uuwi agad siya pagkatapis ng digmaan. Nang makaalis si Lukas, ang tunog ng putukan ay mas lalo pang lumapit, kaya sila ay lumusob na ng may dangal.
Pagdating ni Lukas sa bayan, agad-agad siyang pumunta kay Julia upang iparating ang sinabi ni Tenyong na siya ay uuwi na pagkatapos ng digmaan. Natakot si Julia sa sasapitin ni Tenyong sa digmaan. Pagkaalis ni Lukas ay papasok naman sa bahay nila Julia si Miguel. Nag-usap sila ni Julia, nagalit si Julia dahil marami itong sinasabing makata.dumating si Juana at tinanong kung bakit nagalit si Julia. Ang sinabi naman ni Julia ay masakit ang kanyang ulo at dinagdagan pa ito ng mga salita ni Miguel tungkol sa mga bituin at kung ano pa. Dumating din si Tadeo upang sabihin na handa na ang lahat at kung pwede ay sa sabado na lamang ang kasal, ngunit hindi ito gusto madaliin ni Julia sapagkat hinihintay niya pa si Tenyong na dumating. Pinapunta agad ni Tadeo si Miguel kay Piskal Manuel upang sabihin na hindi na matutuloy ang kasal sa sabado.
Pagkaalis ni Miguel ay umalis na din si Julia. Nagtapat ng pag-ibig si Tadeo kay Juana, ngunit hindi niya ito tinanggap dahil sila daw ay matanda na...
Noong araw na ng kasal nina Julia at Miguel, ang lahat ay nagsasaya. Dumating sila sa lugar kung saan sila ikakasal. Habang naglalakad na si Julia at ang kanyang nanarinig si Lukas na sumisigaw na andoon na daw si Tenyong ngunit ito ay sugatan. Nilapitan ito ni Julia, tinawag siya ni Miguel dahil naghihintay na daw si Pari Teban na kakasal sa kanila. Si Juana din ay tinawag si Julia, ngunit ang sabi niya ay hindi niya pwedeng iwan si Tenyong dahil ito ay sugatan. Ipinatawag ng Heneral ang Ginoong Mediko at ang sabi ay mamamatay na ito. Ipinatawag ang pari upang makapag kumpisal daw si Tenyong bago ito mamatay. Sinabi nito sa pari na ang tanging hiling niya ang ikasal sila ni Julia. Nagtaka ang lahat, lalo na si Juana. Nagtapat si Julia ng kanilang pag-iibigan at pumayag lamang siya sa kasalan nila ni Miguel upang hindi ito mapoot sa kanya. Si Julia ay pinsan ni Tenyong, ngunit siya ay ampon lamang ni Juana kaya hindi sila magkaanu-ano. Pumayag na din noon si Miguel dahil sa ang sabi ng kanyang ama ay “Ang taong mamamatay ay di pagkakaitan.” ikakasal na dapat sila ngunit sinigurado pa ng sakim na Pari Teban ang deretsos, ang nagmamadaling sabi naman ng Heneral ay siya na lamang. Ikinasal ni Pari Teban sila Julia at Tenyong. Pagkatapos nito ay sinabi ng Heneral kay Tenyong na tumayo na ito dahil natupad niya na ang pangako nito. Pagkatayo niya sumugaw si Miguel ng “walang sugat!” hindi pala totoo na ito ay mamamatay na, at ito ay wala pala talagang sugat ginawa lamang nila ito upang ang ikasal ay ang totoong nagmamahalan.